Dati palang isa na akong realist na tao,hindi naniniwala sa kagalingan ng mga pinoy dahil sa aking mga nakikita ko at sa mga bagay na nahahalata ko.Ito ang aking paniniwala pagkat ito ang aking nakikita, kakarampot lang ag mga pinaniniwalaan kong mga pinoy na naiiba hindi mababababaw.
Sa lahat ng linahad ni F Shionil Jose sa kanyang lathalain na pinamagatang “Why are we shallow”. Totoo naman lahat ng sinabi ni F shionil sa pagkat hindi natin makkaila natayo na ay nabubulag sa mga material na bagay at ang kisllap ng mga ginto , dahil sa paggkabulag natin dito hindi natin nammalayang nakaagwa na tayo ng masama o sadyang binabalewala na natin ang ating consensiya. Tinatakwil nating ang pagiging makatao natin sa paggawa ng masasamang bagay.
"We are shallow because we have been enslaved by gross materialism..we think only the material goods of this earth can satisfy us" sigurado akong maraming natamaan sa sinabi niya pagkat totoo nga tulad ng mga singers na di naman alam magacting pero nag aacting para lang sumikat, Mga gobernador na nagnanakaw sa sariling kaban ng bayan upang malagyan lang ng lomolobo pang tiyan ng letchon, mga magnanakaw na yun na lang ginawa imbes na magtrabaho, Mga writers na imbes na pen name lang isulat sa libro linalagay pa ang tunay na pangalan para lang sumikat pa sila lako.
Hindi natin alam na ang ang pagiging mayabang natin ang nakakapigil satin upang tayo ay masmagmature o mag evolve sa ating kinagisnan, ang alam natin ay magagaling na tayo na sakto na itong nalalaman natin.Pero hindi natin alam na ang konting kaalaman ay nakakamatay, ganito tayo. Salita ng sakita pero kakarampot naman ang ating alam tulad ng mga gobernador nating malaki nga ang utak di naman alam ang bakakaiba sa knowledge at wisdon. Hindi lang yun pati tayo, alam nating bawal magtapon ng basura dito pero bakit tinatapon parin natin kasi tayo ay mabababaw walang alam pero nagmumukhang may alam. Pinoy tayo eh, mayabang dahil tayo ay nagbabasa lang ng kakarampot at kung magbabasa naman ng madami tungkol naman ito sa mga teen fiction, romance at iba pang wattpad na yan kung sa mga lalaki naman makikita mo silang magbabasa lang kung magazine o may picture ang nilalaman ng libro. Sinasabi ko ito dahil ganito ang karamihin satin kaya kahit dumaan ang ilang taon tayo parin ay mananatiling mabababaw kahit ilang taon pa ang dumaan kahit maungusan pa tayo ng taon kung mananatiki tayo g mabababaw hinding hindi tayo aangat sa ating lipunan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento