Bangungot

 Kung ikaw kaya
Humihilik kana pero pinagpapawisan ka. Ano ba ang nangyayari sa panaginip mo at tila natatakot ka at pagkasabay nun ang pagkahulog mo sa  kama  sabay bigkas na  “buti nalang nagising ako”. Alam kona sa simula palang na binangungot  ka sa panaginip mo na ayaw mong makita ,muli. 
Laging nauulit ang iyong bangongot  minsan sumisigaw ka nalang bigla o dumarating ang gabi na nagsasalita ka habang nakapikit ang mga mata,paulit ulit nalang tinatanong ka kung ano nga ba iyon pero wala kang kibo.
Naiisip ko kung bakit nangyayari ang bangongot na tila mahirap takasan pero masmahirap  tulugan , kung ito man ay iyong hindi matakasan siguradong di na pipikit pa ang iyong mata.Minsan ang hindi mo lang nakain na chocolate ay nagbibigay na sayo ng bangongut  na tila kinokonsensiya ka ng inyong nagawa o hindi mo nagawa.Bibigkas ang chocolate sa iyong panaginip na "kinain mo dapat ako, ngayon kakainin na kita" sabay lamon sayo.
Ang bangongot na tila pinagsama samamang konsensiya ,takot at panghihinayang ay tila di inaasahan na nakakapagdulot ng iyong di pagtulogdahil pag ikaw ay natulog at nagkabangongot para kang nanonoud sa sinehan ng marathong ng  shake rattle and roll kasama ang iyong mga kaaway, wala kang magagawa kundi manoud .
Misan ikaw pa ang bida sa pinanoud mo kaninang scary movie, hinahabol ka ng mga nangangain ng tao sabay takbo ng takbo at mahuhulog ka sa isang butas at makikita mong punong puno ito ng buto, kasama mo pala ang mga manyakis na baklang sabik na sabik sa katawan mo.

Kahit ano man ito ang bangungut ay sadyang mahirap na karanasan , sa aking bangongot na naransan ang pinaka masamang panaginip ay ang bestman ng iyong mapapangasawa.

Mga Komento